Thursday, January 23, 2014

DIARY NG PANGET SERIES: In or Out?

STORY DETAILS:
Title: Diary ng Panget (1-4)
Author: HaveYouSeenThisGirl
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
(Wattpad-turned-book)

HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget Series
(Photo Credits to: Marghel Lee Revilla

Nakuha DITO! Puntahan sya sa babaengconservative.tumblr.com)


Cliché? Check! Predictable? Medyo. Nakakatawa? Sobra.


Yan ang ilang bagay na masasabi ko sa four-part book series ng sumisikat na wattpad author na si HaveYouSeenThisGirl. Walang iba kung hindi ang "Diary ng Panget".

Bilang hindi naman ako gaanong ka-aktibo sa naturang writing site, hindi ako naging interesadong basahin ito kahit nung ito ay hindi pa napa-publish. Unang una na ang kadahilanang napakarami kong nabasang negative reviews nito. Pangalawa, madami pa akong librong nakapila sa to-read list ko. At pangatlo, wala naman akong nahiraman ng kopya (since ayoko namang bumili kung hindi ko naman sure na magugustuhan. KURIPOT ALERT!)

Anyway, noong December 2013 ay dumalaw sa amin ang pinsan ko (Hi Trisha! *waves*) na isang dakilang fan ng author na si HYSTG at lalo na ng DNP. Palagi kong naririnig itong pamagat ng series na to mula sa aking mga kaibigan kaya nung nalaman kong mayroong kopya ang pinsan kong ito, binasa ko ang unang libro ng DNP out of curiosity (at dahil hindi din ako makatulog *NOCTURNALISM*) Sa simula, mapupuna na kaagad ang mga typo errors sa pagsulat gayun din ang mga grammatical errors pero ewan ko ba at nagustuhan ko naman ito kahit papaano sa kabila ng mga flaws nito. Yung tipong hindi mo na sya maibaba pag nasimulan mo na? So natapos ko ito within 2-3 hours (wag niyo ng tanungin kung anong oras ako natulog haha!) Luckily, may isa pa akong kaibigan na sobrang paborito din ito kung kaya't nahiram ko din ang sumunod pang mga libro (Hello Eya! Este Marghel pala hihi *kaway kaway*)


Marghel Lee Revilla (L) and Patricia Mhae Tenorio (R)

Sa unang libro, nakilala ko ang bidang si Reah Rodriguez o mas kilala bilang Eya. Base na nga din sa pamagat, alam mo na kung ano ang description sa kanya: PANGET. Isang archetype na ito sa mga filipina heroines pero hindi lang iyon. Tulad ng madalas nating napapanood sa telebisyon lalo na sa mga banyagang palabas (READ: KOREAN NOVELLAS), ang bidang babae ay madalas na mahirap ngunit palaban at hindi exemption dito si Eya. Pero hindi pa dito nagtatapos ang pagiging "mainstream" ng kwento. Syempre hindi mawawala ang mga hearthrob na maiinvolve sa bidang babae. Yung mga gwapo, mayaman, almost perfect guys. At tulad ng kadalasan, hindi lang isa kundi DALAWA pa. Dito na papasok ang character nina Cross Sanford at Chad Jimenez. As usual, yung isa (Cross) masungit, suplado, at nag-a-antagonize sa bida natin samantalang yung isa naman (Chad) ay mapapalapit, magiging mabait, at friendly. Bukod sa kanilang tatlo, naipakilala din si Lorraine "Lory" Keet na isa pang archetype sa mga nababasa/napapanood natin. Siya ang babaeng maganda, mayaman, almost-perfect-kind-of-girl na magiging best friend ng ating panget na bidang si Eya. At mula sa mga karakter na ito, umikot ang istorya (Na hindi ko na ikkwento :P )

Matapos ang unang libro, ma-curious ako sa kung ano pang sunod na mangyayari pero nagsimula lang akong mag "fangirl" pagkatapos kong mabasa ang ikalawang libro. Matapos ang book 1, ayos lang kahit hindi ko na mabasa yung mga susunod pa. Kung di ko na malaman kung ano ng mangyayari, okay lang. Iisipin ko na lang ang gusto ko at magmo-move on pero after ng Book 2, wala na. Gusto-teka, KAILANGAN- kong malaman ang susunod pa. Sa totoo lang, siguro book 2 ang pinakafavorite ko (pero wait, book 3 ata? ewan tie sila mehehe)

Naniniwala ako na ang bawat storya, espesyal. Unique. Kakaiba in its own way. Kaya siguro hindi ko ininda ang pagiging cliché ng DNP. Oo madaming archetypal characters. Oo madaming scenes na parang napanood/nabasa ko na dati. Oo minsan predictable yung mangyayari. Yung tipong "teka, ano to? Boys Over Flowers? Meteor Garden?" Pero hindi naman lahat. May touch parin ng author yung storya. May mga kinakagulat ka paring parts, tinatawanan, at syempre kinakikiligan (Duh?!)

Pangalawa, bukod sa ka-cliché-an nito, madalas ding mapuna ang structural composition nito. Kesyo mali ang grammar, mali ang spelling. Para sa akin kasi, as long as nararamdaman mo yung storya at basta't naiintindihan mo naman ung essence, ayos lang yun. Syempre hindi ko masisisi ang iba. Tama naman sila na para saan pa ang editors (kung dumaan man ito sa mga yun), kung magkakaron din ng mga ganoong errors at isa pa, hindi na lang sya basta wattpad story. Pinublish na ito at binayaran ng mga mambabasa. Gusto din naman nilang maging worth it yung Php 150.00 nila diba? Pero since hineram ko lang naman ito at hindi ako picky sa structures, okay lang naman.

Sumunod ay ang way ng pagna-narrate. Maganda sya para sa akin dahil mas nararamdaman ng mga mambabasa ang karakter ni Eya (at paminsan minsan, ni Cross) Ang 1st person POV ay nagamit upang mas lalo pang makilala ang pagkatao ng mga nasabing character. Sinasabi ng iba na ang "informal" nito pero para sa akin, mas nakadagdag ito sa quality ng pagkakasulat. Mas nagkaroon ng touch ng author.

Point Four: Masyadong Cheesy at Corny ang ibang scenes. Hindi na ako kokontra dito dahil OO ang talagang cheese corn sya pero it doesn't mean that I didn't like it. In fact, ito nga ang mas nakapag-engganyo sa akin na magbasa. Sabihin niyo ng mababaw ang kaligayahan ko pero sobrang benta sa akin nung mga jokes pati ung cheese corn stuff. LOL. I like cheese corn stories kaya siguro na-enjoy ko ito.

Characters. May nabasa ako na wala daw development ang characters sa storya. Pero again, nakita ko ito in a good light. One good example para sa akin ay si Cross. (WHOOPS SPOILER) Madami ang nag expect, umasa, at nagnais na magbago sya sa huli. Yung tipong "bad boys gone good". Oo lumambot sya towards the end of the series at natuto sya ng mga lessons pero he remained rooted to his character. Yung Cross Sanford na Cookie Monster (suplado, mapang-asar, etc) parin. Kasi kaya nga niya nakuha yung panlasa ng masa ay dahil sa aso't pusang bangayan nila ni Eya hindi ba? I forgot the direct quote but it goes something like "Hindi na kami magiging EYOSS (Eya + Cross) kung walang awayan"

Binanggit ko sa first five points ang nga defense ko at praises for DNP pero eto lang talaga kasi yung marereklamo ko. *hingang malalim* (WHOOOOOOOPS SPOILER!) .... BAKIT GANUN UNG EPILOGUE?! Uwaaaaa! As in PLOT TWIST kung PLOT TWIST. Kakatapos ko pa lang ng Book 2 noon nung wina-warning-an na ako ng mga kaibigan ko (Ehem Marghel at Ann) na ang pangit nung ending. Sinawalang bahala ko lang iyon pero ngayon, dapat pala sinunod ko na lang sila (Pero sooner or later, di ko din matitiis at babasahin ko din un eh XD) Habang binabasa ko yung epilogue, umaasa ako na may malaking JOKE LANG sa huli o di kaya epilogue ng epilogue na nagsasabing wala lang yun pero naabot ko na ung huling pahina at wala. Ganoon talaga. Iyon pala ang malaking sikreto ni Eya. FUUUUUDGEE talaga. Di ko alam kung dahil inexpect ko na typical cliché story lang ito kaya umasa ako sa happy ending at hindi na naging suspicious sa pwedeng mangyare. Sobrang caught off guard ako nung plot twist na yon. Mixed feelings ako actually. Nakakainis talaga (kung hindi ko lang hineram ung libro, nabalibag ko na sana XD) pero on the other hand, it goes to prove na there will still be unexpected things sa DNP (Or maybe sakin lang talaga sya unexpected?). Pero it doesn't change the fact na nafu-frustrate talaga ako sa nangyari. hahaha :D


Overall, I can say na Diary ng Panget is a good read if you're looking for something to pass time (and kung hindi ka masyadong mareklamo) Not exactly the best book I've read pero definitely not the worst either. Something na kaya kang patawanin, paiyakin, pakiligin all at the same time (or baka ako nga lang din yun? LOL)

Perfect five na sana kung hindi lang dahil dun sa EPILOGUE eh. Kung irerepublish to at aalisin yun, I'd give it 5/5 kaso wala na. Nabasa ko na sya at nafrustrate na ako kaya 4.5/5. Still not bad eh? Galante ako magbigay ng ratings :)

4.5/5 rating :)


No comments:

Post a Comment

Thoughts? :)